Saturday, 26 January 2013

isyung napapanahon

                    Ang Paparating na eleksyon 2013

                        Ilang buwan na lang ay magsisimula na ang campaign period at eleksyon sa ating bayan. ngunit kahit na hindi pa ito pormal na nagsisimula ay nagkalat na ang flyers, mga poster sa gilid ng kalsada, mga advertisement sa radyo at telebisyon , at maraming pangako na kadalasang  hindi naman natutupad.

           Sana ngayong darating na eleksyon ay bumoto ng matino at magaling na lider ang mga mamamayan . Sana ang kanilang mapili ay yung tipong hindi kukuha sa kaban ng bayan. Alam ko na ang isang katulad kong 12 taong gulang ay wala pang karapatang bumoto pero alam ko na kami lang naman ang manginginabbang ng mga gagawin nila.    Kaya sana ngayung darating na eleksyon ay wala ng dayaan ang mangyari upang maging matagumpay ang eleksyon ngayong 2013.







     

Thursday, 24 January 2013

Ang Paparating na Eleksyon 2013

                                Eleksyon sa Pilipinas

           May 2013, ang bawan na inaabangan ng botante at mag politiko kagaya ng goveror, congressman at iba pa. bago man dumating ang araw ng eleksyon alam natin na maraming politiko na naman ang magpapa-pansin sa mga botante . Kadalasang tawag sa kanila ay "EPAL", maraming mga pangako bago mag-eleksyon at sasabihing makakatulong ito sa lipunan at kadalasan lahat ng mukha nila ay nakadikitr sa lahat ng sulok ng komunidad at pati na rin sasakyan.ang iba nga sa mga plitikong ito ay ilang beses ng nihalal bilang congressman,mayor atbp. Pagkatapos ng eleksyon at nahalal silang muli ay makakalimutan nila ang lahat ng kanilang pangako at kadalasan ay nagiging korrupt na siyang lumilimas ng pera para sa bayan.

      Alam naman natin na may kasalanan din tayo kung bakit  naging ganito ang kalagayan, kung bomoto tayo ng matino at matalinong pinuno magiging mas maganda siguro ang resulta.Dapat sa eleksyon pa lang ay maging matalino na tayo sa pagpili dahil kung patuloy tayong maniniwala sa mga pangako ay patuloy tayong magagamit ng mga politiko.